Bago namatay si aleng pepay ay may iniwan etong sulat Kina maymay at xenon. Sulat ni Aleng pepay- Sa mahabang panahon na nag kasama tayong tatlo ay naging masaya tayo kahit na mahirap lamang tayo,ipinaramdam nyo sa akin na hindi kailangan ng pera, o kayaman para lang maging masaya ang isang tao,maymay sana kapag nawala na ako wag kayong maghihiwalay ng iyong kapatid,wag mo syang pababayaan,ganun din sayo xenon sana protektahan mo ang iyong ate maymay,at xenon patawarin mo ako kung naging madamot ako na ipakilala ka sa iyong mga magulang at sa kambal mo ang nais ko lamang ay protektahan ka at ayoko na iwan mo kami ng ate mo kapag nakilala mo sila,kaya sana ay mapatawad mo ako apo.Aaminin ko na nagkikita pa kami ni thomas,pumupunta sya dito ng patago para makita ka at makibalita kung ano na ang kalagayan mo.Binibigyan nya ako ng pera para raw sa mga pangangailangan mo,kinukuha ko ang pera sa tuwing binibigyan nya ako,pero hindi ko binibigay sayo,itinago ko eto sa isang maliit na kahon NASA kabinet eto,gamitin nyo para makapag Simula kayo ng kapatid mo at para na rin makita mo ang iyong mga magulang at ang kapatid mo.oo xenon pinapahintulotan na kita na lumuwas ng manila,pinapayagan na kitang makita mo sila.:) Sana wag mo akong kalimutan sana nasa puso mo pa rin ako apo,na minsay ay naging parte ako ng buhay mo:) mahal na mahal ko kayo ng kapatid mo:)paalam.. Lola- . .