Akala ni Yvon ay naisip na niya ang kanyang buhay. Nakatuon siya sa pagtatrabaho nang husto, umaasang maiahon ang kanyang pamilya sa kahirapan. Simple lang ang buhay, kahit medyo magulo. Ngunit pagkatapos, ang lahat ay nagbago ng isang estranghero ay lumitaw at sinasabing siya ang kanyang matagal nang nawawalang kapatid. Biglang nabaligtad ang mundo ni Yvon, nang matuklasan niya na maaaring isang kasinungalingan ang buhay na kinagisnan niya. Hindi siya basta-bastang babae lang, siya ang nawawalang bunsong anak na babae ng isa sa pinakamayamang pamilya sa Asia, isang pamilyang may mga koneksyon at impluwensya na umaabot sa buong kontinente.
Ngunit ang paglalakbay ni Yvon upang mahanap ang kanyang sarili ay hindi sigurado. Ano ang mas uunahin niya? Ang sarili niya, sa pagharap niya sa kaguluhan ng isang bagong realidad? o ang babaeng minamahal at hinahangaan niya, itataya ni Yvon ang lahat ngunit sapat ba iyon para umasa na siya ang pipiliin niya? Hindi akalain ni Yvon na mahuhulog siya sa kahit na sino, lalo na sa isang propesor...at lalong lalo na sa isang babae pa. Babaeng may malakas rin na impluwensya, at may malalim na madilim na nakaraan. Ngayon, sa pagitan ng pag-ibig, pamilya niya, at isang mundong hindi niya alam, aling nga ba ang mas matimbang kay Yvon.